Monday, May 15, 2006

Ang Harvest ni Mama...


"Ang Harvest ni Mama." Oil in Canvass, May 15, 2006.

Di pa tapos tong proyekto ko pero gusto ko nang i-blog. Marami pang dapat gawin sa background para magkabuhay ang kulay at anyo, one dimensional pa lang ba. Anyway, pumapatak ang luha ko habang nilalagyan ng mga detalye ang mga bulaklak ng Bougainvilla. Namimiss ko yung buhay namin sa Sibale (island) at sa Novaliches. Hitik na hitik sa bulaklak ang puno ng Bougainvilla namin sa harap ng dalawang bahay. Matingkad sa alaala ko nung ako'y munting bata pa lang at nakikipaglaro sa harap ng bahay sa Sibale, maraming mga bulaklak ng Bougainvilla ang nahulog sa kalye. Tag-init nun, at nakakagalak gunitain ang saya na dulot ng halos mapupulang Bougainvilla. Yun namang sa sa Novaliches, maraming mga nagdadaan ang namamahinga sa ilalim ng puno nito kapag tag-init. Parang malaking payong ang kanyang anyo. Sa gabi, naaaliw akong tingnan ang dahan-dahang pagbagsak ng mga bulaklak sa aming balkonahe. Ang buhay pampamilya namin para sa akin ay sinisimbulo ng mga Bougainvillang yan. Makulay at masaya, may mga halong kalungkutan din ,lalo na't nagkahiwa-hiwalay kami, pero pinatitingkad ang anyo at kulay sa awa at grasya ng Panginoon habang lumilipas ang mga panahon.



Pag summer naman noon sa Novaliches, hitik na hitik sa bunga ang puno ng Indian Mango namin. Si Mama ang malimit mag-harvest sa aming backyard. Ganyan ang Mama ko, napakamasigasig maghanap ng pampuno sa hapag ng pamilya. Actually ang mga manggang yan sa bilao ay sinisimbulo ang kanyang pamilya, hanggang kaapu-apuhan sa tuhod. Hitik, puno, may pagpapala ng Diyos na gumawa ng araw. Malayo na rin ang aming narating magmula ng kami'y lumisan sa isla. Sa paglipas ng panahon, matatag pa rin ang pundasyon na dulot ng aking ama at ina. At saludo ako sa Harvest ni Mama...:)

10 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Atilapya, tamang-tama pang Mother's Day ang kwento at painting mo ah. Didn't know you painted well pala. Dami ka na bang nagawa as in pwede ka ng mag-exhibit?

Oo nga, kakaiyak when you remember your loved ones and the good times of the past. Ang dali ng buhay nung mga bata pa tayo no, always taken cared of by our parents. Simples things like climbing a tree or buying ice cream from the mamang sorbetero can make us deliriously happy. Hay, sana ganun pa rin disposition ko. Cge pag bumili ako ng taho, pilitin kong hugutin sa aking isipan at puso ang kasiyahang nadarama ng isang bata.

Uyy, gustong-gusto ko rin ng bunggambilya. I took a series of photos na purong bulaklak na ito. I'll post sa blog one of these days. MMDA lined the islands ng kalye with bouganvilla. Eh summer ngayon at hitik sa bulaklak kaya maganda tignan. Mangga!!! Sarap with ginisang bagoong! Parang pinaglalaway ako ng mga blogs ngayon.

8:45 PM  
Anonymous Anonymous said...

ate, sige magpaint ka pa ng magpaint, pati nudes i-paint mo para may variation. tapos gawa ka picture books ng children's fables and stories.

gusto ko yung mural dun sa previous post mo sa may resto ng hotel ba yun? yung may mga watermelons at croissant.

pintahan mo na kaya ng mural yang dingding ng kitchen mo, indian mango tree at mga sirena ng sibale na may wreath sa ulo na bougainvillea. ganda siguro!


joyak, naluluha naman ako dun sa post mo naaalala ko si ate emily ko; pero ineerror pa rin ako ng comment box mo eh. ibinan mo IP ko 'no??!!!!! magtutuos tayo, pagbabayaran mo lahat ito!!!

hehehe....

ako nga rin ang pinapabasa ng eulogy noon at ready na ko tapos bigla akong di na lang makapagsalita pagdating sa harap. kaya sinaklolohan ako ng kuya ko at sya na lang ang natuloy.

ewan ko ba, super depressed ako noon halos one year din at iyak ako ng iyak lagi in the middle of the night tapos everynight nananaginip ako tungkol sa sis ko.

10:30 PM  
Anonymous Anonymous said...

Atinapa, gawa ka kaya ng account sa blogger tapos yun gamitin mo pag visit ka blog ko. Check ko na comment settings ko, allow anyone na nga eh. Ba't kaya?

Di ba may mga children's story ka sinulat? Pa-illustrate mo kay Atilapya :)

Na-depress din ako for a long time noon. Lowest point of my life. Di ako nagtrabaho ng isang taon and araw-araw, punta kami loyola. Missed one day lang dahil bumagyo at bumaha.

12:04 AM  
Blogger cacofonix said...

yoyang, 31 years ago na since i last painted on canvass, he he...the desire to do it again has been with me all this time. yang painting na yan eh you might consider baby steps into more mature painting. that's the only one i have so far except for those i did when i was a kid. i need to learn more techniques. proud ako na ang naging titser ko ay si rene habulan. sikat siya sa mga circle of painters dyan sa Pinas. pero di pa sya sikat nung maging tutor ko. naalala ko pinapabayaan nya lang ako to mix colours - free style ang approach nya although guided with established techniques. daming extra "creative" energy sa katawan ko na dapat kong irelease, kaya siguro ako nagkaron nun ng chemical imbalance...he he. kahit anong magandang bagay sa loob ng katawan na dapat mailabas, nagiging toxin pag di mo nilabas, i think. i felt so much release when i painted again, so relaxed. i ran to the art store, nung mafeel ko na my boredom was running into thin lines. although as in sewing, i have to overcome my impatience in working with details. yaan mo pag nakarami na ako, mageexhibit ako dyan sa flea market..wehehehe....

yeah, i expressed my feelings for Mother's day nung ginawa ko yan.

ang bilis nga ng panahon yoyang, puro reminiscing din ako habang pinipintura ko yan. oo nga eh ang sarap nun, wala tayong cares. napakasaya ko na nga nun pag naririnig ko ang kalembang ni mamang sorbetero at may mango or cheese ice cream treat na naman ako. paborito ko rin nun ang lumpia sa kariton. sabi nga ni Lord, dapat ang faith natin gaya ng bata. siguro ganun din pagdating sa mga bagay na pampasaya, simpleng kaligayahan lang. di kasi tayo cynical nung mga panahong yun. para bang ipinanganak tayong may emotional at spiritual anaesthesia na nagwewear out over time. kse siguro as it wears out, ang dependence natin kay Lord dapat nag-iincrease, Siya ang pang shield natin sa pain. ganun yata tayo ginawa.

patingin ng mga photos mo ng bougainvilla! must be beautiful...sunod sa sampaguita, bougainvilla ang national flower natin para sa akon!

1:57 AM  
Blogger cacofonix said...

ngruk ngruk...sa St. Lawrence Market yang mural na yan, malapit dun sa lake. pinupuntahan ko nowadays pag sabado't namimili ng gulay, sariwang apple juice at kung anu-ano pa na fresh farmer's (straight from the farm talaga)produce. european style ang art nung mural, french ang dating sa akon.

matagal na akong kinukumbinsi ng akong sister to paint a mural. pag nakapagpatayo ng bahay na akong pinapangarap, God willing eh gagawin ko yan. maganda yang ideya mo, he he, gets na gets mo ang essence ng Sibale.

matagal ko ng pangarap na gumawa ng children's book with illustration. sana mangyari, pero not in five years i think. di ba matagal na kitang niyayaya na magcollaborate? marami akong proyekto sa isip ko ngayon. i take supplements for anti-ningas kugon so hopefully, may matapos ako kahit 2.

sige padalhan mo ako ng nude photo at ikaw ang gagawin kong sirena dun sa mural....kayong tatlo, si yoyang at badaday...ay kagandang subject! tatlong nude sirena na may bougainvilla wreath at kumakain ng indian mango with bagoong sa may beach sa Sibale! wihihi....

2:15 AM  
Blogger cacofonix said...

ngruk ngruk try mo ang Mozilla as your browser. baka may problema ang browser mo sa blogger. google mo lang and download.

2:21 AM  
Anonymous Anonymous said...

Atilapya, kaya pala ganda painting mo kasi trained by a master ka pala :) He's a good teacher for letting you develop your own style. Galing talaga! Mahilig kasi ako sa paintings. Wanted to start a collection when I was still 'galit sa pera'. But tatlo lang ang naipundar ko then eh. One is a watercolor rendition of Lotis Key. Do you remember her? She's a local actress from the seventies era.

Well, we do need an artistic outlet (a.k.a. de-stresser). Glad you have your painting. Gusto ko din yan kaya lang la me talent kaya appreciate ko yung mga meron. Sana matuloy ang project nyo ni Atinapa na children's book.

Yes,yes I like lumpia specially the fried one with toge sawsaw sa suka, yum! Pagkain na naman :)

Sabi nga ni God, childlike faith di ba? Grabe, the wisdom...

O sya, ituloy mo yang pag-paint mo ng nude ha. Ako rin paint mo nude. Kunan ko sarili ko tapos post ko sa blog ko, kopyahin mo na lang nyehehehe!! :)

7:55 PM  
Anonymous Anonymous said...

yoyang, tenk yu sa imong encouragement. yep, kilala ko si lotis key, di ba naging born again Christian siya? painter din pala siya. at may koleksyon ka! sosyal! pag sikat na ako at nagexhibit sa flea market at feel mong magtapon ng pera ulit magcollect ka ng pintura ko, yung nude portrait mo. si batikungkong mukang magandang ideya kong caricature ang style, pero nude portrait, gagawin nating batikungkong ang form nya...wihihihihi.

lumpia fiesta tayo pag-uwi ko ulit dyan, God willing...:)

6:22 AM  
Anonymous Anonymous said...

sige post kayo ng nude pics sa blogs nyo...sigurado icacapture natin yan..wehehehehe....

6:23 AM  
Blogger Cris said...

naiyak naman ako dito tita..la lang..miss ko na kayo pati ung pagpunta sa nova every weekend. sayang wala na ung bounganvilla sa harap ng bahay sa nova. ay ok pala, nag paint ka din. galing. ako la time..hehe

9:01 AM  

Post a Comment

<< Home

Powered by Blogger